October 12, 2006

Magpatangay sa ihip ng hangin

Ganyan ang araw ko kahapon. Hinihipan ng hangin.

Maaga akong bumangon, para kausapin si dada. Nag-antay ng ala una, para makipagkita kay Ram. Pumunta ng Makati (nawala as usual) para magpasukat ng damit kay Jun E. Nung paalis na kme, ayaw magstart ni Golda (hiniram kse ni dada si Bopek). Pero nagstart din sya after pukpokin yung battery. Astig. Di pukpok si Golda. Dapat ang pangalan nya ngayon Pokpok. haha.

Malakas ang hangin papunta sa may Fort area. Dun ako nagpatangay. Humalakhak kasama si Ver at Lele sa UCC. Sumunod din si Katz. Di pa nakuntento, pumunta kme sa Makati para makita ang I Love You Store ni Corinne. Masaya. Na-dali si Lele at Ver. Tingin ko babalik sila doon ng wala sa oras. Di pa tapos. Pumunta din kme sa All About Eve ni Katz. Ayus. Dun kme nayare. :)

Nakakapagod magpatangay sa hangin. Kung 'di mo lalabanan malalaman mo na isa kang Karen... kaladKaren.

Teka... beep beep daw sabi ng telepono ko. May lakad na naman. :)

Posted by suplada at October 12, 2006 3:11 PM
Comments